Komedyanteng si Bentong namatay na

By Den Macaranas February 09, 2019 - 11:02 AM SHARE(S):
Video grab

Namatay na ang komedyanteng si Bentong o Domingo Vusotros Brotamante Jr. sa tunay na buhay sa edad na 55.

Nakilala si Bentong bilang sidekick ng host at actor na si Willie Revillame sa kanyang mga naging TV shows sa ABS-CBN, TV5 at ngayon ay sa GMA.

Si Bentong ay nagsimula sa industriya bilang production assistant hanggang sa mabigyan siya ng break bilang komedyante at sidekick sa ilang programa sa telebisyon.

Sinabi ng manugang ni Bentong na si Arvin Vincent Anierdas sa kanyang Facebook account na namatay ang komedyante kaninang umaga sa Fairview General Hospitan.

Nauna nang napaulat na labas-masok sa ospital si Bentong dahil sa diabetes.

Wala pang opisyal na pahayag ang kanyang pamilya kaugnay sa detalye ng kanyang lamay at libing.

TAGS: bentong, Domingo Vusotros Brotamante J, willie revillame, Wowowin, bentong, Domingo Vusotros Brotamante J, willie revillame, Wowowin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.