Sa isang pahayag, sinabi ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na isang uri ng pang-iinsulto ang pahayag ni Duterte.
Gusto umano ni Duterte na magmukha silang kontra bida sa mata ng publiko kapag hindi nila tinanggap ang alok na pagbabalik sa usapang pangkapayapaan.
Ilang beses na umanong naudlot ang peace talks dahil sa pabago-bagong pahayag ng pangulo.
Nauna dito ay sinabi ng CPP founder na magiging prayoridad sa taong ito ang pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.
Sa kanyang pahayag kahapon, sinabi ng pangulo na pwedeng ituloy ang peace talks pero kailangang itigil ng New People’s Army members ang kanilang iligal na gawain kabilang na ang pangongotong at pangha-harass.