CPP-NPA di papatol sa alok na peace talks ni Duterte

By Den Macaranas February 09, 2019 - 09:21 AM

Hindi basta kakagatin ng Communist Party of the Philippines ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas siya para sa pagpapatuloy ng peace talks.

Sa isang pahayag, sinabi ni CPP founding chairman Jose Maria Sison na isang uri ng pang-iinsulto ang pahayag ni Duterte.

Gusto umano ni Duterte na magmukha silang kontra bida sa mata ng publiko kapag hindi nila tinanggap ang alok na pagbabalik sa usapang pangkapayapaan.

Ilang beses na umanong naudlot ang peace talks dahil sa pabago-bagong pahayag ng pangulo.

Nauna dito ay sinabi ng CPP founder na magiging prayoridad sa taong ito ang pagpapabagsak sa administrasyong Duterte.

Sa kanyang pahayag kahapon, sinabi ng pangulo na pwedeng ituloy ang peace talks pero kailangang itigil ng New People’s Army members ang kanilang iligal na gawain kabilang na ang pangongotong at pangha-harass.

 

TAGS: AFP, duterte, Joma Sison, peace talks, PNP, AFP, duterte, Joma Sison, peace talks, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.