Lacson: 20-percent commission sa pork barrel nakuha na ng ilang mambabatas
Inihayag ni Sen. Ping Lacson na umaabot sa 20-percent ang nakukuhang komisyon sa ilang mga proyekto ng pamahalaan na pinondohan gamit ang pork barrel fund.
Bago pa man mapagtibay ang 2019 national budget, sinabi ni Lacson na nakuha na ng ilang nakikinabang sa pork barrel ang kanilang bahagi sa kita mula sa mga kontratista.
Ayon kay Lacson, “That would be a sum of 15 billion pesos worth of taxpayers’ money to the pockets of its proponents and cohorts.”
Inamin rin ng mambabatas na maraming mga kongresista at senador ang nakinabang sa nasabing insertions.
Hindi rin umano inayos ng kasalukuyang liderato ng Kamara ang nasabing problema bagaman sinasabi nila na sa panahon ni dating Speaker Bebot Alvarez nagsimula ang nasabing pagsisingit ng pondo.
Si Lacson ay kabilang sa limang mga senador na hindi lumagda sa ratipikasyon ng 2019 budget dahil sa kanyang paniniwala na ang P75 Billion na insertion ay paghahatian lamang ng ilang mga senador at kongresista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.