Azkals bumaba ang pwesto sa world rankings

By Rhommel Balasbas February 09, 2019 - 05:29 AM SHARE(S):

Bumaba ang pwesto ng Philippine Azkals sa world rankings matapos ang kanilang kampanya sa AFC Asian Cup tournament.

Mula sa pang-116 ay naging pang-123 na ang national football team batay sa pinakabagong FIFA World Football Rankings.

Matatandaang kulelat ang Azkals sa Group C ng Asian Cup matapos matalo sa South Korea, China at Kyrgyzstan.

Noong January 16 nalaglag sa torneo ang Azkals matapos matalo sa Kyrgyzstan sa iskor na 3-1.

Sa Southeast Asian rankings naman, pangatlo na ang Pilipinas kung saan nangunguna ang Vietnam at Thailand.

TAGS: AFC Asian Cup, FIFA World Football Rankings, PH Azkals, AFC Asian Cup, FIFA World Football Rankings, PH Azkals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.