1 patay halos 100 sugatan sa banggaan ng dalawang tren sa Spain

By Rhommel Balasbas February 09, 2019 - 05:27 AM

Courtesy of 6W

Isa ang patay habang higit-kumulang 100 ang sugatan sa banggaan ng dalawang pampasaherong tren sa Spain.

Naganap ang banggaan ng dalawang tren Biyernes ng gabi sa pagitan ng mga bayan ng Sant Vicenc de Castellet at Manresa o sa layong 35 miles sa Hilagang-Kanluran ng Barcelona.

Patungo ang isang tren sa Barcelona habang ang isa pa ay patungo sa Manresa nang magbanggaan ang mga ito sa iisang riles.

Ayon sa Catalonian emergency services, ang nasawi ay ang drayber ng tren.

Tatlo naman sa mga nasugatang pasahero ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa kuhang mga larawan ng local media, makikita kung gaano nayupi ang mga bakal sa harapang bahagi ng mga tren.

Makikita rin ang mga sugatang pasaherong na nasa gilid ng mga riles.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng train operator ang sanhi ng banggaan ng dalawang tren.

TAGS: Barcelona train collision, Barcelona train collision

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.