8.2 milyong turista target ng gobyerno ngayong 2019
Target ng pamahalaan na makahikayat ng 8.2 milyong turista para sa taong ito na mas mataas sa naitalang 7.1 milyon noong 2018.
Ito ay sa gitna ng pinalalakas na tourism campaign para maitaguyod ang tourist destinations sa bansa.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na kumpyansa ang gobyerno na maaabot ang target ngayong taon.
Giit ng opisyal, noon ngang 2018 na isinara ang Boracay sa loob ng ilang buwan ay naabot pa rin ang target.
Sa mga susunod na linggo ay muling pasisinayaan ng Department of Tourism ang ‘It’s More Fun in the Philippines’ campaign na ngayon ay itataguyod na rin ang sustainable tourism.
Ani Nograles, tiwala ang gobyerno na uusad ang kampanya dahil sa pagsusumikap ng gobyerno na mapaganda pa ang mga kasalukuyang tourist sites tulad ng Boracay.
Malaking tulong din anya ang ginagawa ng gobyerno sa mga imprasktura para sa sistema ng transportasyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.