Duterte umapela ng reporma sa Simbahang Katolika

By Len Montaño February 09, 2019 - 04:00 AM

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng reporma sa Simbahang Katolika matapos aminin ni Pope Francis na inabuso ng mga pari at obispo ang mga madre.

Ayon sa Santo Papa, alam niya ang pag-abuso ng mga clerics sa mga madre at dapat na may gawin ang simbahan para matapos ito.

Sa kanyang talumpati sa Albay, sinabi ng Pangulo na kailangang magkaroon ng pagbabago sa simbahan.

Binanggit ng Pangulo kung paano siya minolestya umano ng isang Amerikanong pari noong siya ay bata pa.

Kinuwestyon din ni Duterte ang mga doktrina ng Simbahang Katolika, tinawag na “stupid” ang Diyos at itinuring na ipokrito ang mga pari.

Una nang itinanggi ng Malakanyang na galit ang Pangulo sa Simbahang Katolika bilang institusyon kundi sa imoral na gawain lamang ng mga pari at obispo.

TAGS: Pangulong Rodrigo Duterte, pope francis, reporma, Santo Papa, Simbahang Katolika, stupid God, Pangulong Rodrigo Duterte, pope francis, reporma, Santo Papa, Simbahang Katolika, stupid God

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.