Japanese Foreign Minister Taro Kono, darating sa bansa
Nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw ng Sabado si Japanese Foreign Minister Taro Kono para sa kanyang tatlong araw na official visit.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inimbitahan ni Sec. Teodoro Locsin Jr. ang envoy ng Japan.
Sinabi ni DFA spokesperson Elmer Cato na nakatakdang makapulong ni Locsin si Kono, bukas araw ng Linggo.
Pag-uusapan ng dalawa ang ilang mga isyu kabilang ang pulitika, ekonomiya at people-to-people engagement.
Inaasahan ding matatalakay ang suporta ng Japan sa mga proyektong pang-imprasktura at maging ang Mindanao matapos ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Habang nasa may courtesy call din si Kono kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pangungunahan ng envoy ang pagpapasinaya sa Japanese Consulate General sa Davao.
Ayon kay Cato, ang biyahe ni Kono sa Davao ay patunay sa lumalalim pang ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.