UK travel warning sa Southern Cebu, tinanggal na

By Rhommel Balasbas February 09, 2019 - 03:20 AM

Tinanggal na ng United Kingdom (UK) ang travel warning na inilabas nito sa southern Cebu dahil sa umano’y banta ng terorismo.

Mula May 2017 ay pinaiiwas ng Foreign and Commonwealth Office (FCO) ng naturang bansa ang kanilang mga mamamayan sa pagtungo sa south Cebu.

Sa isang panibagong advisory araw ng Biyernes ay tinanggal na ang South Cebu sa listahan ng mga lugar na dapat iwasan.

Nauna nang hiniling nina Cebu Gov. Hilario Davide III at Presidential Assistant for the Visayas Michael Diño sa UK government na bawiin ang travel warning.

Samantala, patuloy na nagbababala ang FCO sa kanilang mga mamamayan na huwag pumunta sa western at central Mindanao at Sulu dahil sa mga terrorist activities at sagupaan ng gobyerno at militanteng grupo.

Samantala, pinag-iingat din ng UK government ang kanilang mga mamamayan sa inaasahang paglobo ng election-related violence lalo’t papalapit ang May 13 midterm elections.

Sinabi naman ng UK government na halos trouble-free ang naging pagbisita ng kanilang 200,000 British Nationals noong 2017.

TAGS: banta ng terorismo, Foreign and Commonwealth Office, Southern Cebu, Terorismo, travel warning, UK, UK travel warning, banta ng terorismo, Foreign and Commonwealth Office, Southern Cebu, Terorismo, travel warning, UK, UK travel warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.