Matteo Guidicelli, lumipat sa Viva Entertainment

By Rhommel Balasbas February 09, 2019 - 03:12 AM

Matapos ang walong taon sa ilalim ng Star Magic ay lumipat na ang aktor na si Matteo Guidicelli sa Viva Entertainment.

Kahapon araw ng Biyernes ay pormal nang pumirma ng kontrata sa ilalim ng talent management si Guidicelli kasama ang executive ng kumpanya na si Vic del Rosario.

Aminado ang aktor na bahagi ng kanyang desisyon ang girlfriend na si Sarah Geronimo sa kanyang paglipat sa Viva.

Ang matagumpay na 15 taong karera ng Popstar Royalty ay nagsimula sa “Star for a Night” singing competition ng Viva noong 2003.

Ayon kay Guidicelli, nahirapan siya sa kanyang desisyon ngunit naniniwala siyang ang Viva ang ‘best place’ para sa kanya.

Nagpasalamat naman ang aktor sa lahat ng pagmamahal at suportang ibinigay sa kanya ng Star Magic.

Samantala, bagaman isa nang Viva artist, nilinaw naman ni Guidicelli na mananatiling ABS-CBN ang kanyang home network.

TAGS: Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Star for a Night, Star Magic, Viva Entertainment, Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Star for a Night, Star Magic, Viva Entertainment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.