UNICEF umapela sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas

By Rhommel Balasbas February 09, 2019 - 03:06 AM

Nanawagan ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas sa gitna ng deklarasyon ng measles outbreak sa ilang lugar sa bansa.

Sa isang statement na inilabas araw ng Biyernes, sinabi ni UNICEF Philippines Deputy Representative Julia Rees na hindi katanggap-tanggap ang pagkamatay ng mga bata sa mga sakit na pwede namang maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

Giit ni Rees, ang measles vaccine ay ligtas at epektibo at matagumpay na ginagamit sa Pilipinas sa loob ng higit 40 taon.

Nakamamatay anya ang tigdas sa mga bata at maaaring magdulot ng kumplikasyon at makaapekto sa paglaki ng mga bata.

Dahil dito, hinikayat ni Rees ang mga magulang at komunidad na dalhin ang kanilang mga anak sa health centers para mabakunahan.

Nangako ang UNICEF na susuportahan ang Pilipinas sa kampanya kontra tigdas at tiniyak na available ang mga bakuna laban sa sakit.

Nauna nang idineklara ng Department of Health (DOH) ang measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Western Visayas at Central Visayas.

TAGS: bakuna, doh, measles outbreak, tigdas, unicef, Unicef Philippines, bakuna, doh, measles outbreak, tigdas, unicef, Unicef Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.