“The Hows of Us,” gagawaran ng Camera Obscura award
Gagawaran ng prestihiyosong ‘Camera Obscura’ award ang pelikulang ‘The Hows of Us’ ng Star Cinema.
Ang ‘Camera Obscura’ ay ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga pelikula, filmmakers at mga artists na may malaking naiambag sa pagsulong ng industriya ng pagpepelikula sa Pilipinas.
Sa pahayag ng FDCP, ang paggawad ng parangal sa ‘The Hows of Us’ ay dahil sa kontribusyon nito sa film industry bilang highest grossing Filipino Film.
Matatandaang kumita ito ng higit P800 milyon sa takilya.
Ang pelikula ay pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.
Samantala, bukod sa ‘The Hows of Us’, tatanggap din ng Camera Obscura awards ang National Artist for film na si Kidlat Tahimik at ang film producer na si Bianca Balbuena.
Ibibigay ang parangal sa Film Ambassadors’ Night na magaganap araw ng Linggo, February 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.