P47.6M na halaga ng shabu, nakumpiska sa Mandaue Cebu

By Len Montaño February 09, 2019 - 01:35 AM

Tinatayang P47.6 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha kay Charlie Fortuna, 24 anyos sa subdivision sa Barangay Cubacob sa Mandaue City Biyernes ng gabi.

Ito ay kasunod ng operasyon ng Regional Intelligence Divison sa Central Visayas (RID-7) at Regional Special Operations Group sa Central Visayas (RSOG-7).

Itinanggi naman ni Fortuna na kanya ang nakumpiskang pitong pack ng shabu.

Nakuha rin ng otoridad kay Fortuna ang nubain ampules na isang narcotic pain killer.

Ayon sa suspek, inutusan lamang siya na dalhin ang kontrabando mula sa isang kaibigan na hindi nito pinangalanan.

Nadamay lamang umano si Fortuna na pangalawang beses na palang naaresto.

Unang inaresto si Fortuna na nakuhanan ng isang kilo ng droga.

TAGS: Mandaue City, Regional Intelligence Divison sa Central Visayas, Regional Special Operations Group, shabu, Mandaue City, Regional Intelligence Divison sa Central Visayas, Regional Special Operations Group, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.