2 sundalo, sugatan sa bakbakan sa NPA sa North Cotabato
Sugatan ang dalawang sundalo mula sa 39th Infantry Battalion sa sumiklab na bakbakan sa Makilala, North Cotabato.
Hindi bababa sa 20 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nakasagupa ng militar sa isang barangay, araw ng Biyernes.
Ayon kay Lt. Col. Rhojun Rosales, battalion commander ng 39th IB, rumesponde ang mga sundalo sa ulat na mayroong presensya ng armadong grupo sa lugar.
Unang nagpaputok ang mga rebelde na naging dahilan para lumaban pabalik ang militar.
Tumagal ng isang oras ang engkwentro.
Sa ngayon, patuloy na binibigyan ng lunas ang mga sugatang sundalo sa pagamutan.
Hindi naman nagbigay ng detalye si Rosales sa pagkakakilanlan ng mga sundalo.
Samantala, nag-deploy na ng dalawang helicopter ang mga otoridad para ilikas ang mga residente na posibleng maapektuhan ng bakbakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.