Sa sesyon sa Senado ay sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na natanggap niya ang sulat mula sa Office of the President ukol sa pag-veto ng Pangulo sa bill.
Ang veto ng Pangulo ay kaugnay ng Senate Bill No. 1976 at House Bill No. 8852 o ang Act to Further Strengthen the Philippine Coconut Authority.
Layon ng panukalang batas na amyendahan ang Presidential Decree 1468 o ang Revised Coconut Industry Code of 1978 na nag-oobliga sa PCA board na magkaroon ng 6 na kinatawang magsasaka, 4 mula sa gobyerno at 1 sa nasabing industriya.
Ang bill ay magbibigay-daan sa mga magniniyog ng mas malawak na representation sa PCA board.
Habang ang mga kinatawan mula sa gobyerno ay ang Agriculture Secretary bilang chairperson; ang Finance Secretary bilang vice chairperson at ang Budget Secretary at PCA Administrator bilang mga miyembro.
Ang kinatawan naman ng industriya ay mula sa key players sa coconut industry