Duterte, sinisi ang mga tao sa gobyerno sa kabiguang mawala ang droga sa 6 buwan

By Len Montaño February 08, 2019 - 11:51 PM

Sinisi ni Pangulong Rodrigo duterte ang sistema at mga tao sa gobyerno sa kabiguan nitong puksain ang problema sa droga sa loob ng 6 na buwan.

Sa kanyang talumpati sa mga opisyal ng barangay sa Legazpi City, Albay, sinabi ng Pangulo na si dating Philippine National Police (PNP) chief Ronald Dela Rosa ang nagsabi sa kanya ng katotohanan.

Sinabihan anya siya ni Dela Rosa na paano mareresolba ang droga sa 6 na buwan gayung ang kalaban ay Bureau of Customs, mga police general, mga nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ipinamukha anya sa kanya ni General Bato na ang kanyang sariling gobyerno ang kanyang kalaban.

Ayon sa Pangulo, ano ang kanyang magagawa kung ang pumapatay mismo ay ang mga nasa likod ng kalakalan ng droga pagkatapos ay isisisi sa pamahalaan ang pagkamatay ng mga drug suspects.

Ilang beses nang isinangkot ng Pangulo ang ilang aktibo at retiradong opisyal ng pulisya sa bentahan ng iligal na droga.

Kaugnay naman ng Bureau of Customs, bilyong pisong halaga ng shabu ang naipuslit sa bansa pamamagitan ng magnetic lifters.

Isa sa mga nasangkot sa shabu smuggling si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña na tinanggal ng Pangulo sa ahensya at inilipat sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

TAGS: isidro lapena, magnetic lifters, PNP chiefn Bato Dela Rosa, Rodrigo Duterte, shabu smuggling, War on drugs, isidro lapena, magnetic lifters, PNP chiefn Bato Dela Rosa, Rodrigo Duterte, shabu smuggling, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.