Ayon kay Dr. Alma Corpin, maraming magulang ang natakot sa libreng bakuna laban sa tigdas at ibang sakit dahil sa kontrobersyal na Dengvaxia.
Nasa 50 percent lang anya ng kabubuang populasyon ng Cebu City ang sumailalim sa libreng measles, mumps, rubella at varicella (MMRV) vaccination program.
Noong nakaraang taon ay nasa 60 percent ang nagpabakuna sa lungsod sa kasagsagan ng takot sa Dengvaxia, dahilan ng pagtaas ng kaso ng tigdas na umabot sa 28.
Bago ang Dengvaxia anya ay nasa 90 percent ng kabuuang populasyon ang sumailalim sa MMRV vaccination.
Pero dahil sa measles outbreak, dumami ang mga magulang na pinabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas.
Inutusan ni Dr. Corpin ang city health centers na magbahay-bahay na para mabakunahan ang mga bata laban sa tigdas.