Duterte, nakipag-kita sa magulang ng dalagita na namatay sa Sinulog

By Len Montaño February 08, 2019 - 10:56 PM

Cebu Daily News photo

Nakipag-kita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang ng teenager na nasawi sa umano’y drug overdose sa Cebu City noong nakarang buwan.

Sa kanyang talumpati sa mga opisyal ng barangay sa Legazpi City, Albay, sinabi ng Pangulo na pumunta sa kanyang tanggapan ang mga magulang ni Ashley Abad.

Ang 19 anyos na si Abad ay namatay dahil umano sa party drugs nang dumalo ito sa Sinulog party noong January 19.

Bumagsak ang dalagita sa VIP deck area ng concert venue at namatay kalaunan.

Binanggit ng Pangulo na wala siyang narining mula sa human rights nang mamatay ang dalagita.

Wala namang ibinigay na ibang detalye ang Pangulo sa pagkikita nila ng mga magulang ni Ashley.

Iginiit ni Duterte na ang kaso ni Ashley ay patunay na sinisira ng droga ang buhay ng mga kabataan sa bansa.

TAGS: Ashley Abad, Drug overdose, Human Rights, Pangulong Rodrigo Duterte, party drug, Sinulog, Ashley Abad, Drug overdose, Human Rights, Pangulong Rodrigo Duterte, party drug, Sinulog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.