James Yap, pinangunahan ang panalo ng Rain or Shine kontra NorthPort

By Len Montaño February 08, 2019 - 10:37 PM SHARE(S):

Tinalo ng Rain or Shine ang NorthPort dahil sa isa na namang magandang performance ni James Yap sa PBA Philippine Cup sa score na 107-100.

Sa natitirang 3 minuto ng laro ay nagpamalas si Yap ng step-back triple kay Paolo Tah ng Batang Pier, dahilan ng paglamang ng ElastoPainters.

Nagdagdag ng puntos sina Rey Nambatac at Mark Borboran para sa ika-limang panalo ng team sa loob ng 6 na laro.

Ayon kay Rain or Shine mentor Caloy Garcia, “big shots” ang ginawa ni Yap at malaki ang tulong ni Nambatac.

Naitala ni Yap ang 19 points bilang isa sa top scorers ng koponan kasama si Beau Belga.

Si Stanley Pringle naman ang nanguna sa NorthPort sa ginawa nitong 34 points.

TAGS: Batang Pier, elasto painters, James Yap, NorthPort, PBA Philippine Cup, Rain or Shine, Batang Pier, elasto painters, James Yap, NorthPort, PBA Philippine Cup, Rain or Shine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.