Pagpasa ng Kongreso sa national budget welcome sa Malakanyang
Ikinatuwa ng Malakanyang ang pagkakapasa ng 2019 national budget sa dalawang kapulungan ng kongreso.
Sa pahayag sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mahalaga para sa bansa at sa sambayanan ang 2019 budget.
Binanggit din ni Panelo ang mga budget priorities ng pamahalaan kabilang ang infrastracture development, pagpapalawig ng programa sa human development, poverty reduction, pagpapabuti sa social services at pagtiyak ng mas secure at peaceful environment para sa lahat.
Sinabi rin ni Panelo na titiyakin ng gobyerno na matutupad ang pangakong genuine at makabuluhang pagbabago ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak din ni Panelo na sa sandaling matanggap na ng ehekutibo ang General Appropriations Bill ay sasailalim ito sa masusuing pag-review para matiyak na lahat ng nilalaman nito ay nakasunod sa Konstitusyon at ang magbebenepisyo ay ang mga Filipino.
Masaya din ang palasyo na nagkasundo na ang dalawang kapulungan para aprubahan ang pambansang budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.