Publiko na kumukuha ng U.S. visa binalaan sa mga fixer

Nagbabala ang mga opisyal ng United States Embassy laban sa mga fixer sa pagkuha ng visa.

Sa isang panayam, sinabi ni Consular Manager Leon Gendin na isa sa pangkaraniwang scam ng mga fixer ay ang pagkukunwaring nagtatrabaho sa US Embassy.

Nagsisimula aniya ito sa mga ipinadadalang e-mail o text message kung saan nangangako ng pagbibigay ng visa kapalit ng halaga ng pera.

Pinaalalahanan ang publiko na dumaan sa tamang proseso para makakuha ng naturang travel document.

Aniya, maaaring kumuha ng appointment para sa tourist visa sa loob ng limang araw at maaari itong maaprubahan ilang araw pagkatapos sumailalim sa interview.

Aabot ang application fee sa $160 US dollars o katumbas ng P8,335.

Maaari ring bisitahin ang official website ng embahada para sa karagdagang detalye ng proseso.

Read more...