Dating barangay official arestado sa Kidapawan City

By Angelic Jordan February 08, 2019 - 08:31 PM

Arestado ang isang dating opisyal ng barangay official dahil sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms at possession of illegal drugs sa Kidapawan City.

Ayon kay Naravy Duiquiatan, director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12, nahuli ang suspek na si Rustico Lobetania, 40-anyos, sa bisa ng search warrant sa Barangay Amazon bandang 3:00, Huwebes ng madaling-araw.

Katuwang ng PDEA sa operasyon ang Kidapawan City police.

Inisyu ang search warrrant ng isang local court laban sa suspek dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakuha sa suspek ang isang hindi lisensyadong kalibre .38 na revolver na kargado ng anim na bala at 13 pakete ng shabu.

Sa ngayon, nakadetine si Lobetania sa Kidapawan City jail.

TAGS: illegal possession of firearms, Kidapawan City, possession of illegal drugs, illegal possession of firearms, Kidapawan City, possession of illegal drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.