General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang bayan ng General Luna sa lalawigan ng Surigao del Norte

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol alas 7:55 ng gabi ng Biyernes, Feb. 8, sa 28 kilometers Southeast ng General Luna.

May lalim na 19 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang sumusunod na intensities bunsod ng nasabing lindol:

Intensity V: Surigao City
Intensity IV: Gingoog City
Intensity III: Cagayan de Oro City; Borongan City; Cebu City
Intensity II: Catbalogan City
Intensity I: Kidapawan City; Lapu-Lapu City; Argao City; Alabel, Sarangani

Ayon sa Phivolcs, maaring magdulot pa ng aftershocks ang nasabing pagyanig.

Read more...