P3.757-trillion national budget naratipikahan na rin sa Senado
Niratipikahan na rin sa Senado ang P3.757-trillion national budget para sa taong 2019.
Sa botong 15 na pabot at 5 tutol, niratipikahan ng Senado ang final version ng pambasang budget.
Kabilang sa mga tumutol ay sina Senators Panfilo Lacson, Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.
Dahil naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng kongreso, ipapasa na kay Pangulong Rodrigo Duterte national budget para sa pirma nito.
Magugunitang naantala ang pagkakapasa ng pambansang budget dahil sa mga alegasyon ng budget insertions.
Dahil dito, mula nang mag-umpisa ang taon ay gumagana ang pamahalaan gamit ang reenacted budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.