U.S. Envoy binati ang Pilipinas sa matagumpay na pagdaraos ng BOL plebiscite

Binati ni U.S. Ammbassador to the Philippines Sung Kim ang Pilipinas makaraang maging matagumpay ang idinaos na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Kim na mahalagang kaganapan ang idinaos na plebisito para sa ilang dekada nang pagnanais na maresolba ang gulo sa Mindanao.

Sinabi rin ni Kim na nakahanda na ang U.S. para makipagtulungan sa Bangsamoro Transition Authority.

Gayundin sa bubuuing Bangsamoro government bilang katuwang ng Pilipinas sa panibagong yugto ng kapayapaan.

Read more...