Bagyong Marilyn lalo pang humina ayon sa PAGASA
Bumagal at humina ang bagyong Marilyn ayon sa latest weather bulletin ng Pagasa kung saan namataan ito sa layong 1,000 kilometers silangan ng Casiguran Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150-kph na may bugsong aabot ng 185-kph na kumikilos pa-hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 11-kph.
Bahagya ring lumiko sa direksiyon patungong hilagang-silangan ang nasabing bagyo kung kaya hindi na ito tatama sa kalupaan ng bansa.
Samantala, ang hanging amihan naman ay lumakas dahil sa bagyong Marilyn kung saan magdadala ng pag ulan sa lalawigan ng Cagayan at Batanes.
Naglabas naman ng gale warning sa northern at eastern seaboards ng Luzon, northern at eastern seaboards ng Samar provinces.
Ayon pa sa Pagasa, asahan na sa mga susunod na araw ang lamig ng hanging amihan na pwedeng makaapekto sa hanging dala ng bagyo.
Sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga asahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Marilyn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.