Unang batch ng COCs para sa BOL plebiscite natanggap na ng Comelec

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 06:38 PM

INQUIRER.net Photo | Daphne Galvez

Natanggap na ng Commission on Elections (Comelec) ang unang certificate of canvass (COC) para sa ikalawang bahagi ng Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite na ginawa noong Feb. 6.

Ayon kay Administrative Aide IV Jaime Salonga ng Reception and Custody group, dumating ang COC na naglalaman ng resulta ng plebisito alas 3:37 ng hapon ng Biyernes, Feb. 8.

Sinabi ni Salonga na ang unang batch ng COCs ay galing sa Tulunan at Carmen sa lalawigan ng north Cotabato.

Magugunitang itinakda na lang sa Lunes, Feb. 11 ng National Plebiscite Board of Canvassers (NPBC) ang kanilang pag-convene para sa gagawaing canvassing.

Ito ay matapos lumipas ang maghapon kahapon (Feb. 7) na wala silang natatanggap na COCs.

TAGS: 2nd BOL plebiscite, Bangsamoro Organic Law, comelec, first batch of COCs, 2nd BOL plebiscite, Bangsamoro Organic Law, comelec, first batch of COCs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.