Publiko hinimok ng NCRPO na makipagtulungan sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa MRT at LRT

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 06:25 PM

Suportado ng National Capital Region Police Office ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa LRT lines 1 and 2 at sa MRT-3.

Ayon kay NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar, inirerekomenda nila ang mahigpit na pagpapatupad ng “no food, no drinks” policy sa mga tren.

Maging ang pag-ban aniya sa mga liquid item ay dapat lang na mahigpit na ipatupad.

Ani Eleazar, may mga liquid explosives na pwedeng ilagay sa mga bote ng tubig para hindi mahalata.

Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pagpapatupad ng seguridad.

TAGS: LRT, MRT, NCRPO, Security, LRT, MRT, NCRPO, Security

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.