Nurse patay sa aksidente sa Bacolod City

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 06:06 PM

Inquirer file photo

Patay ang isang 22 anyos na nurse matapos maaksidente habang minamaneho ang kaniyang sasakyan sa Bacolod City.

Nangyari ang aksidente sa highway ng Barangay Granada, Biyernes (Feb. 8) ng madaling araw.

Base sa imbestigasyon, kagagaling lang sa duty ni Dix Icon Rifge Villa at papauwi ng kaniyang bahay sa Barangay Alangilan nang masalpok sa puno ang kaniyang kotse.

Ayon sa security guard na malapit sa lugar, na si James Silvestre, nadinig niya ang malakas na pagbangga ng sasakyan.

Wasak ang harapan at likuran ng kotse ni Villa.

Sinabi naman ni Sr. Insp. Romulo Gepilango, posibleng hindi nakita ni Villa na naputol ang sementadong daan, kaya dumere-diretso ito hanggang mabangga sa puno.

Aalamin din ang posibilidad na ito ay naka-idlip habang nagmamaneho.

TAGS: accident, bacolod city, Radyo Inquirer, accident, bacolod city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.