P450M na halaga ng mga pinekeng brand ng sabon, lotions at iba pa, nasabat sa magkakahiwalay na raid ng NBI

Credit: IP-Manila

Nasabat sa serye ng raid na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa P450 million na halaga ng iba’t ibang produktong pineke ang brand.

Ginawa ng NBI ang pagsalakay base sa kahilingan ng mga kumpanyang Proctor & Gamble, Unilever Philippines at Nivea.

Ito ay matapos na matuklasan na may mga ibinebentang produkto na ginagamit ang kanilang brand names.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Manila RTC Branch 46 Judge Rainelda Montesa sinalakay ang mga tindahan sa 999 Shopping Mall sa Bindondo Maynila, pabrika sa Potrero Malabon, pabrika sa Bustos, Bulacan at pabrika sa Pulilan, Bulacan.

Sa mga tindahan sa 999 Shopping Mall ay nasabat ang mga finished products na mga sabon, lotions at iba pa na nagtataglay ng brand ng P&G, Unilever at Nivea.

Credit: IP-Manila

Habang sa mga sinalakay na pabrika naman nakumpiska ang mga finished products, at raw materials na ginagamit sa paggawa ng sabon at lotions gayundin ang mga makina.

Ang mga may-ari ng mga tindahan at pabrika ay kakasuhan ng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.

Read more...