Big-time drug pusher arestado sa Legazpi City

Naaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang hinihinalang big-time drug pusher ang P300,000 halaga ng shabu sa ikinasang drug operation sa Legazpi City, Albay.

Ayon kay PDEA acting regional director Christian Frivaldo, naaresto ang suspek na si Diogenes Callo.

Nahuli si Callo sa pagbebenta ng shabu sa isang undercover PDEA agent sa Barangay Oro Site dakong 8:40, Huwebes ng gabi.

Si Callo ay itinuturing na high-value target ng PDEA.

Nakuha kay Callo ang limampung gramo ng shabu.

Samantala, nakatakas naman sa operasyon ang dalawang kasabwat ni Callo na sina Christian Bobilles at Arjay Hayagan.

Read more...