Senior HS student patay matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang bus sa Dagupan

By Angellic Jordan February 08, 2019 - 04:35 PM

File Photo
Patay ng isang senior high school student matapos bumangga ang dinadalang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa Dagupan City.

Kinilala ang biktima na si Joshua Quidez, 17-anyos, mag-aaral ng Dagupan City High School.

Ayon sa pulisya, binabagtas ng motorsiklo ang southbound lane ng Arellano Street bandang 11:30 ng gabi ng Huwebes, nang biglang sumalpok sa kaliwang bahagi ng bus.

Sinubukan pang itakbo si Quidez sa Region 1 Medical Center ngunit idineklara ring dead on arrival.

Nakaligtas naman ang backrider na si Ralph Orlino, 27-anyos, at nagtamo lang ng sugat sa aksidente.

TAGS: accident, dagupan city, motorcycle, pangasinan, accident, dagupan city, motorcycle, pangasinan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.