Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur nag-sorry matapos magsunog ng Malaysian flag si Elly Pamatong

Nagpalabas ng pahayag ang embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia hinggil sa insidente ng Flag-burning na ginawa ni Atty. Elly Pamatong.

Kinondena kasi ng Ministry Foreign Affairs of Malaysia ang ginawa ni Pamatong na panununog sa watawat ng Malaysia na naka-post pa sa Facebook page na may account name na “President Pamatong Supporters”.

Ayon sa Malaysian government, ang kanilang watawat ay sagrado at dapat itong tratuhin ng may pag-respeto.

Sa statement ng embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, sinabi nitong si Pamatong ay marami nang nagawang kontrobersyal na bagay at ang ginawa nitong pagsunog sa Malaysian flag ay sarili niyang aksyoon at hindi kumakatawan sa posisyon ng Pilipinas.

Dagdag pa ng embahada, inaalam na ng mga otoridad sa Pilipinas ang nangyari at tiyak na gagawin ang nararapat na aksyon.

Sinabi ng embahada na hindi kinukunsinte ng pamahalaan ang ginawa ni Pamatong at ikinalulungkot ang nangyari na nakasakit sa mga mamamayan ng Malaysia.

Sa huli sinabi ng embahada na nananatiling committed ang Pilipinas sa bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Read more...