Kasuotan ng mga babae hindi dapat gawing rason sa catcallin – PNP

By Angellic Jordan February 08, 2019 - 03:59 PM

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na hindi dapat isinisisi sa kasuotan ng mga babae ang catcalling o pagsipol at iba pang klase ng akto na may halong kalaswaan o kahalayan.

Inaprubahan na kasi sa bicameral conference committee ang reconciled version ng panukalang Safe Spaces Act na layong bigyan ng parusa ang catcalling.

Ayon kay PNP spokesperson Senior Superintendent Bernand Banac, maituturing na isang ‘expression’ ang pananamit ng mga kababaihan.

Dahil dito, dapat aniya itong igalang at irespeto ng sinuman.

Sakaling mayroong mangyaring masama, ang mga lalaki aniya dapat ang managot sa batas.

Oras na maging ganap na batas, sinabi ni Banac na makatutulong ito sa pagbaba ng bilang ng gender-based crimes.

TAGS: catcalling, PNP, Radyo Inquirer, Safe Spaces Act, catcalling, PNP, Radyo Inquirer, Safe Spaces Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.