Inanunsyo ito sa pamamagitan ng isang special session ngayong Biyernes.
Kabilang sa isinailalim sa state of calamity ang Sitio Calero sa Barangay Tinago, Sitio Paradise 2 sa Barangay Kinasangan, Sitios Bato, Pig Vendor, at Castilaan sa Barangay Ermita, at Sitio Tabokanal sa Barangay Poblacion Pardo.
Sa lahat ng nasabing sunog ay umabot sa 400 bahay ang tinupok ng apoy.
Naganap ang mga sunog sa loob lamang ng anim na araw simula noong Linggo ng umaga February 3 hanggang madaling araw ngayong Biyernes, February 8.
Dahil sa deklarasyon ng state of calamity sa apat na barangay ay maaari na nilang gamitin ang kanilang mga calamity funds para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng sunog.