Rehabilitasyon sa Pagasa Island tuloy ayon sa DND
Inihayag na Defense Secretary Delfin Lorenzana na tuloy pa rin ang isinasagawang rehabilitasyon sa Pagasa Island sa West Philippine Sea.
Ito ay sa kabila ng mga kumakalat na ulat tungkol sa presensya ng Chinese paramilitary forces sa bisinidad nito.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Lorenzana na hindi na nakakagulat ang mga kumalat na balita dahil nagsimula ang Chinese man-made structures noon pang 2012.
Umaasa aniya ang gobyerno na rerespetuhin ng ibang bansa ang soberanya ng Pilipinas at magpapairal ng sibilisadong pag-uugali para sa global community.
Matatandaang noong April 2017 nang inanunsiyo ng Pilipinas ang pagpapatuloy ng pag-aayos sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.