Korean national natagpuang patay sa loob ng inuupahang condo unit sa Cebu City

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 03:06 PM

CDN Photo
Natagpuang walang buhay sa loob ng inuupahan niyang condominim unit ang isang Korean national sa Barangay Mabolo, Cebu City.

Ayon sa mga tauhan ng homicide section ng Cebu City Police Office, ang dayuhan ay nakilalang si Jung Young Su, 40 anyos.

Ayon kay SPO1 Winston Ybañez, tumawag sa kanila ang isang staff ng gusali dahil wala umanong sumasagot sa loob ng unit ng dayuhan.

Isa ring kaibigan ni Jung ang humingi ng tulong dahil ilang beses umano niya itong tinatawagan at kinakatok pero hindi sumasagot.

Nang pasukin ng mga otoridad, nakita nilang nakabigti ang dayuhan.

Ayon kay Ybañez wala silang nakitang senyales ng forced entry sa bahay ni Jung.

Base sa mga nakuhang dokumento sa unit, dating nagtatrabaho sa Casino sa South Korea ang dayuhan at December 2018 lamang ng ito ay dumating ng bansa.

TAGS: condominium unit in cebu city, Korean national found dead, Radyo Inquirer, suicide incident, condominium unit in cebu city, Korean national found dead, Radyo Inquirer, suicide incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.