Idaraos na Walk for Life 2019 kasado na
Handang-handa na ang Samahang Laiko ng Pilipinas at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa idaraos na Walk for Life na gaganapin sa February 16, 2019.
Sa pulong balitaan sa Intramuros, Maynila, sinabi ni Ma. Julieta Wasan, ang pangulo ng LAIKO, gagawin ang Walk for Life hindi lamang sa Metro Manila kundi pati sa ibang mga lalawigan.
Isang prusisyon na mag-uumpisa ng alas 4:00 ng umaga ang simula ng aktibidad na tatagal hanggang alas 8:00 ng umaga na susundan naman ng misa.
Sa Metro Manila, ag napiling venue para sa Walk for Life ay sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle.
Mayroon namang dalawang venue sa North Luzon na gaganapin sa Tarlac City Plazuela at St. John the Evangelist Cathedra sa Dagupan City.
Sa Cebu, idaraos ang Walk for Life mula Fuenta Osmena Circle papunta sa Cebu Metropolitan Cathedral.
Habang sa Palo naman napili ang Metropolitan Cathedral, Ormoc City at Palompon Leyte.
At sa Mindanao, ang Provincial Capitol Region Grounds ng Cagayan de Oro City ang pagdarausan ng event.
Layunin ng aktibidad na iparating sa publiko ang pagtutol sa madugong kampanya kontra illegal droga ng administrasyon, aborsyon, pagbuhay sa parusang kamatayan, pagsira sa kapaligiran at ibat-ibang isyu na kinakaharap ngayon ng lipunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.