Malakanyang inirerespeto ang hindi pagsipot ni Diokno sa pagdinig sa Kamara

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 02:43 PM

Tiniyak ng Malakanyang ang pakikipagtulungan ng sangay ng ehekutibo sa imbestigasyon na isinasagawang Kamara kaugnay sa anomalya sa pambansang budget.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dapat din namang irespesto ng mga mambabatas ang mga executive official na kanilang iniimbitahan bilang resource person.

Sinabi ni Panelo dapat ay binibigyan ng sapat na panahon ang resource person gayundin ang kaniyang mga staff para mapaghandaan ang pagdalo sa committee hearing.

Sa ganitong paraan ani Panelo, mas makapagbibigay ng sapat na impormasyon ang resource person sa sandaling humarap ito sa pagdinig.

Dagdag pa ni Panelo, inirerespeto ng Malakanyang ang naging pasya ni Budget Sec. Benjamin Diokno nang hindi ito dumalo sa pagdinig sa Kamara ngayong araw sa kabila ng subpeona.

Ani Panelo, umaasa ang Palasyo na ang mga mambabatas sa Kamara ay makikitang may punto at makatwiran naman ang naging dahilan ni Diokno.

TAGS: benjamin diokno, House Appropriations Committee, house hearing, benjamin diokno, House Appropriations Committee, house hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.