Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalin sa road repair at reblocking ngayong weekend

Sasailalim sa road repair ngayong weekend ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) magsisimula ang reblocking at repair alas 11:00 ng gabi mamaya, Feb. 8 at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, Feb. 11.

Apektado ang mga sumusunod na kalsda:

Southbound:
1.) C-5 Road lagpas ng Lanuza Ave. Bago mag-Bagong Ilog flyover
2.) C-5 Road sa harap ng SM Aura
3.) EDSA New York St., Monte de Piedad

Northbound:
1.) Fairview Ave. Atherton hanggang Regalado Ave. North (1st lane mula sa center island)
2.) EDSA sa harap ng Philippine College of Surgeons at harap ng Quezon City Academy (1st lane mula sa sidewalk)
3.) R. Magsaysay Blvd. (patungong Quiapo) R. Magsaysay Bridge – Pureza St.
4.) EDSA Light Mall (1st lane), Jollibee Service Road Megamall (2nd lane)

Ayon sa DPWH, mayroon ding restoration works ang Maynilad sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa kanto ng Riverside Street, Brgy. Batasan Hills sa Quezon City ngayong weekend.

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang nasabing mga kalsada para hindi maabala.

Read more...