Sen. Alan Cayetano dismayado sa kanyang ate sa pagpabor kay Sen. Poe sa SET case

By Chona Yu November 23, 2015 - 04:55 PM

pia-alan
Inquirer file photo

Dismayado si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa kapatid na si Senator Pia Cayetano at maging sa iba pang miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagbasura sa disqualification case ni Rizalito David sa citizenship issue ni Senador Grace Poe.

Paliwanag ni Cayetano, malinaw kasi sa batas na isang natural-born Filipino citizen ang isa sa mga mahalagang kwalipikasyon sa pagka-Senador o pagka-Pangulo.

Iginiit pa ni Cayetano na bilang isang Judge sa SET, hindi dapat manaig ang adbokasiya at emosyon.

Hindi rin aniya dapat na ikatwiran ng mga miyembro ng SET na ang ipinalabas na desisyon ay para lamang kay Poe kundi sa lahat ng foundling sa buong bansa.

Paliwanag ni Cayetano na isa ring abogado, hindi dapat tingnan ng mga miyembro ng SET ang mukha ng isang tao kundi ang mukha ng batas.

Ayon pa sa Senador, malinaw na political ang desisyon ng SET dahil hindi naman natukoy kung sino ang mga magulang ni Poe.

Maari aniyang naawa lamang ang mga miyembro ng SET dahil sa pagiging foundling ng senadora.

TAGS: Alan Cayetano, Pia, poe, SET, Alan Cayetano, Pia, poe, SET

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.