Diokno maari pa ring ma-contempt kahit iginiit ang 3-day witness rule – Andaya

By Erwin Aguilon February 08, 2019 - 12:56 PM

Inquirer File Photo
Binatikos ni House Appropriations Committee Chair Rolando Andaya Jr. ang pag-isnab na naman ni Budget Sec. Benjamin Diokno sa pagdinig ng Kamara sa kinukwestyong budget.

Ayon kay Andaya, nakakuha na naman ng maling payo si Diokno dahilan hindi ito dumalo.

Sinabi pa nito na iginiit ni Diokno ang 3-day rule sa pagpapatawag ng testigo pero ayon kay Andaya ito na sana ang pagkakataon ng kalihim na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Humingi naman ito ng paumanhin sa kalihim sa pagsasabing kahit nag-invoked ito ng 3-day rule ay maari pa rin itong ma-cite in contempt.

Dahil anya sa pagpapadala ni Diokno sa komite ng mga hinihingi nilang dokumento sinabi ng mambabatas na isinusuko nito ang kanyang karapatan sa 3-day rule.

Hinamon din nito ang kalihim na humarap sa Kamara at ‘wag patraydor sa pagsagot sa pamamagitan ng media.

TAGS: 2019 budget, benjamin diokno, Budget, house hearing, Radyo Inquirer, Rolando Andaya, 2019 budget, benjamin diokno, Budget, house hearing, Radyo Inquirer, Rolando Andaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.