Budget Sec. Diokno itinanggi ang akusasyong panunuhol na ibinato sa kaniya ni Andaya

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 12:12 PM

Inquirer File Photo

Itinanggi ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang akusasyon ni House Appropriations committee chair Rep. Rolando Andaya Jr. na tinangka umano niyang suhulan ang Kamara para itigil ang imbestigasyon sa anomalya sa national budget.

Tinawag ni Diokno na “false at baseless accusation” ang mga ibinunyag ni Andaya.

Ani Diokno, walang katotohanan ang sinabi ni Andaya na sya ay nagpadala ng emisaryo para suhulan si Andaya ng P40 billion upang manahimik sa usapin sa budget insertions.

Ngayong araw ay imbitado si Diokno pagdinig sa Kamara pero hindi nakasipot ang kalihim sa kabila ng subpeona na ipinadala sa kaniya.

Sa halip humirit si Diokno na ipagpaliban ang pagharap niya sa pagdinig para mabigyan sya ng pagkakataon na makapaghanda.

TAGS: benjamin diokno, budget insertions, Radyo Inquirer, Rolando Andaya, benjamin diokno, budget insertions, Radyo Inquirer, Rolando Andaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.