
Ayon sa Caloocan City Police, nag-park umano ang isang Isuzu na van sa parking area ng bahay nila dakong alas 8:00 ng gabi habang naglalaro naman ang batang biktima sa Tanigue St. sa loob ng Samatad Compound.
Ang van ay minamaneho ng isang 58 anyos na si Cesar Garana.
Habang ipinaparada ni Garana van, aksidenteng natamaan naman ang batang babae sa kaliwang bahagi ng sasakyan na nagresulta naman sa pagkahulog ng bata sa bangketa, at nagulungan umano ang ulo ng bata sa kaliwang bahagi ng van.
Itinakbo naman agad ng ina ng bata sa Caloocan City Medical ang biktima, subalit binawian din ito ng buhay matapos ang ilang minuto.
Haharap naman si Garana sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
READ NEXT

2 babaeng supplier ng droga arestado sa palengke sa QC; mga shabu itinago sa supot ng gulay
MOST READ
LATEST STORIES