Bata patay matapos masagasaan ng van sa Caloocan

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 08, 2019 - 11:59 AM

Inquirer file photo
Isang limang taong gulang na batang babae ang namatay matapos magulungan ng van ang ulo sa Caloocan City.

Ayon sa Caloocan City Police, nag-park umano ang isang Isuzu na van sa parking area ng bahay nila dakong alas 8:00 ng gabi habang naglalaro naman ang batang biktima sa Tanigue St. sa loob ng Samatad Compound.

Ang van ay minamaneho ng isang 58 anyos na si Cesar Garana.

Habang ipinaparada ni Garana van, aksidenteng natamaan naman ang batang babae sa kaliwang bahagi ng sasakyan na nagresulta naman sa pagkahulog ng bata sa bangketa, at nagulungan umano ang ulo ng bata sa kaliwang bahagi ng van.

Itinakbo naman agad ng ina ng bata sa Caloocan City Medical ang biktima, subalit binawian din ito ng buhay matapos ang ilang minuto.

Haharap naman si Garana sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

TAGS: accident, caloocan, Radyo Inquirer, accident, caloocan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.