Residential area sa Tondo Maynila, tinupok ng apoy

By Ricky Brozas February 08, 2019 - 11:23 AM

Nasunog ang isang residential area sa Antipolo Street sa Tondo Maynila.

Ayon sa Manila Fire Bureau umabot sa 2nd alarm ang sunog bago naideklarang fire out alas 8:33 ng umaga.

Sinabi ni Kagawad Randy Simbulan ng Barangay 217, Zone 20, tinatayang nasa siyam na pamilya ang nawalan ng tirahan bunsod ng sunog.

Ang mga residenteng naapektuhan, itinabi muna sa gilid ng riles ng PNR ang kanilang mga gamit.

Sa paunang impormasyon mula sa BFP, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Ardie Tañedo.

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.

 

TAGS: fire, Radyo Inquirer, Tondo Manila, fire, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.