LOOK: Malakanyang nagdeklara ng special non-working holiday sa ilang lungsod at bayan

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 11:12 AM

Nag-anunsyo ng special non-working holiday ang Malakanyang sa ilang lungsod at mga bayan ngayong buwan ng Pebrero.

Inilabas ang Malakanyang ang mga proklamasyon para deklarasyon ng holiday sa anim na mga lugar.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

-Feb. 11 sa Talisay City, Negros Occidental para sa 21st Charter Anniversary ng lungsod
-Feb. 11 sa Laoag City, Ilocos Norte para sa Pamulinawen Festival
-Feb. 11 sa Iriga City, Camarines Sur para sa Tinagba Festival
-Feb. 12 sa Kidapawan City, Cotabato para sa kanilang 21st Founding Anniversary
-Feb. 13 sa Parañaque City para sa kanilang Cityhood Anniversary
-Feb. 18 sa Taytay, Rizal para sa Araw ng Pasasalamat: HAMAKA Festival

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga proklamasyon.

TAGS: Iriga City, Kidapawan City, laoag city, paranaque city, Special non-working day, Talisay City, taytay rizal, Iriga City, Kidapawan City, laoag city, paranaque city, Special non-working day, Talisay City, taytay rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.