Malakihang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ipatutupad sa susunod na linggo

By Dona Dominguez-Cargullo February 08, 2019 - 10:35 AM SHARE(S):

Matapos ang maliit na rollback noong nakaraang linggo sa presyo ng produktong petrolyo, may malakihang dagdag presyo naman sa susunod na linggo.

Sa abiso ng kumpanyang Jetti Petroleum, sa pagtaya base sa naging resulta ng trading mula Lunes hanggang kahapon, Feb. 7 ay mahigit piso ang maaring madagdag sa kada litro ng gasolina.

Ayon sa Jetti, nasa pagitan ng P1.05 hanggang P1.10 ang madaragdag sa kada litro ng gasolina habang sa pagitan naman ng P0.60 hanggang P0.65 kada litro ang madaragdag sa kada litro ng diesel.

Ang pinal na halaga ng idaragdag sa presyo ng produktong petrolyo ay malalaman bago matapos ang araw na ito.

TAGS: BUsiness, oil price hike, Radyo Inquirer, BUsiness, oil price hike, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.