Nakita ng mga rescuers ang katawan ni Sala sa isang remotely operated vehicle (ROV) noong linggo malapit sa lugar kung saan nawala ang eroplanong sakay nito.
Narekober noong araw ng miyerkules ang bangkay ng footballer at agad idinala sa Portland port at isinakay sa Geo Ocena III supply ship noong huwebes para isagawa ang formal identification sa katawan ng biktima sa Britain.
Matatandaang ang eroplanong sakay ang 28 year old footballer ay patungo sana noon para sa Premier League Team sa Cardiff City nang bigla na lang nawala ito malapit sa Guernsey noong January 21, kasama ng 59 year old na piloto.
Kinalungkot ng boung footballing world noong nabalitaan ang insidenteng ito.
Ang ama naman ng biktima na si Horacio Sala ay nawalan ng pag-asang makikitang buhay ang kaniyang anak.